
GINANAP ang walang patid na makasaysayang 3- araw na pagdiriwang ng ika -15 th Cityhood Anniversary, 80th Liberation day at 278th Foundation Commemoration sa lungsod ng Biñan na may temang “Isang Biñan1580: Tagumpay at Kagitingan” simula Pebrero2 hanggang 4, 2025 .
Nagsama-samang nakilahok mula sa iba’t ibang sektor at tanggapan ng gobyerno sa unang araw ng selebrasyon ng lungsod sa ginanap na People’s Parade sa Plaza Rizal kung saan pinangunahan ng mga pinuno ng lungsod na sina Binan Mayor Arman Dimaguila, Vice-Mayor Gel Alonte at Congresswoman Len Alonte .
Sunod-sunod ring pinasinayaan sa unang araw ng pagdiriwang ang mga bagong proyekto ng lungsod, tulad ng pagbubukas ng elevated parking sa likod ng Alberto Mansion, Photo Exhibit, Sentro ng Patanghal, Unveiling ng 1580 Marker sa Sentrong Pangkultura .

Ayon sa ama ng lungsod na si Mayor Dimaguila, ang pagkakaisa ng mga lokal na opisyal ay may malaking papel sa pagkamit ng pagiging lungsod para sa Biñan kaya naman tinitiyak ang patuloy na pag-unlad sa mga susunod na taon.
Sinabi ni Dimaguila na ang Biñan LGU ay patuloy na gumagawa ng kasaysayan at nagtataguyod ng sining, kultura, at lokal na talento ng mga Biñanense na magiging pamana sa mga susunod na henerasyon.
Isang makasaysayang pagbati rin ng tagumpay ng lungsod ang mensahe mula sa panauhing pandangal na si National Artist for Music na si Ryan Cayabyab na nagpahayag ng lubos na kagalakan sa pagsuporta ng local na pamahalaan sa paglinang, pagpapayaman ng kulkultura, talento at kasaysayan .
Samantala idineklara ng pamahalaang lungsod ang Agosto 7, 2024 hanggang Agosto 7, 2025 bilang Biñan Theater Arts Year na nagpapakita ng buong suporta nito sa sining ng pagtatanghal.
Kabilang sa tatlong araw na selebrasyon ang Thanksgiving Mass, unveiling ng historical market sa BCPA, ang 1580 Market thanksgiving dinner, Gabi ng Tagumpay at isang cultural night.