June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

3 Chinese nationals naharang ng HPG4-A , P3.4- M shabu nabawi

Ni Cyrill Quilo

TATLONG Chinese drug trafficker ang nasakote ng mga operatiba ng Highway Patrol Group sa kahabaan ng Star Tollway sa  Malvar , Batangas noong Huwebes ng hapon.

Ayon sa ulat kay Col. Rommel Estolano , Regional Chief ng Highway Patrol Group 4-A , sugatan ang Chinese national na si Yan Xing Xue habang naaresto naman sina Ming , 23, at Ko Xiao Ya, 50 na parehong naninirahan  sa Pasay City.

 Base sa imbestigador na si  Master Senior Sergeant Jomard Zomil , ikinasa ang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcemeny Agency – Batangas sa Barangay San Andres Malvar bandang ala 1:30 ng hapon.

makipagtransaksyon ang nagpanggap na pulis na  bibili ng droga sa mga suspek at nang matunugan ay mabilis na tumakas ang mga ito lulan ng itm na sasakyan na may plakang UKI 519 .

Habang tumatakas ay agad na nagpalitan ng putok ang dalawang panig hanggang sa makarating sa Star tollway bandang ala-1:30 ng hapon.

inalarma naman kaagad ng mga operatiba ng PDEA -Batangas ang mga yunit na posibleng daranan ng mga suspek .

Namataan ang mga ito paglampas ng 75 kilometro  sa kahabaan ng tollway kaya naman agad na pinara ng mga operatiba ang sasakyang itim na tugma sa tumakas na mga suspek

Naharang ng HPG4-A ang sinasakyan ng mga suspek at hindi na nakapalag pa ang mga ito .

Agad na siniyasat ang loob ng sinasakyan at tumambad sa mga awtoridad ang isang brown envelope na may lamang 500 gramo ng shabu na tinatayang 3.4 milyong piso, tatlong cellphone at sasakyang ginamit ng mga suspek.

Agad rin dinala sa Mediatrics Medical Center  sa Lipa City si Xue upang lapatan ng lunas ang natamong sugat.