NAPATAY ang isang teroristang NPA matapos ang naganap na engkwentro sa pagitan ng Army’s 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division (2ID) at ng armadong grupo sa Lobo, Batangas, Miyerkules.
Sa ulat mula sa 202nd Infantry Brigade, ang mga tropa ng 59th Infantry Battalion napatay sa engkwentro ang teroristang NPA na kinilalang sina Rey Delos Santos alyas Japeth, Roy, at Ren, habang nagtamo naman ng minor injury ang isang sundalo habang nagsasagawa ng routine security operations sa Barangay Balibago nang paputukan sila ng mga rebelde.
Umabot sa 20 minutong bakbakan ang engkwentro bago tumakas ang mga terorista sa lugar.
Narekober ang dalawang high-powered firearms, dalawang anti-personnel mine, at isang magazine sa encounter site.
“While the soldiers do not rejoice in the deaths of our fellow Filipinos, we have a solemn duty to uphold peace, protect our people, and enforce the rule of law,” ayon kay Maj. Gen. Cerilo Balaoro Jr .
Iginiit ni Maj. Gen. Balaoro ang kanyang panawagan sa mga labi ng mga teroristang NPA na isuko ang kanilang mga armas atmagbalik -loob sa pamahalaan kung saan maaari nilang gamitin ang mga programa ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), upang sila ay magsimula muli at mag-ambag sa mapayapang pag-unlad ng ating bansa.