NAHAHARAP ang tatlong suspek dahil sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 makaraang mahuling gumamit ng tuklaw” at marijuana nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Bacoor City , Cavite.
Kabilang ang mga suspek sa listahan ng Street level ng pulisya na sina alyas “Tol”, “Jeo” at “Jaypev”, na pawang residente ng Bacoor City .
Kumpiskado sa isinagawang buy-bust operation ang 14 na piraso ng nakarolyong itim na papel na katulad ng isang sigarilyo na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong halaman na kilala bilang “tuklaw” o thuoc lao na may halagang P7,000 at isang transparent plastic sachet na may lamang marijuana na may timbang na humigit-kumulang 5 gramo.
Narekober ang buy-bust money at dalawang maliliit na itim na kahon ng sigarilyo.
