June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

31-anyos na mangingisda, arestado sa kasong child abuse

Ni Alex dela Cruz

Bumagsak sa kamay ng mga owtoridad ang 31 anyos na mangingisda na tinaguriang Most Wanted Person (Regional Level) ng CALABARZON dahil sa kasong Child Abuse.

Sa ulat ni Batangs Police Provincial Office Provincial Director PCol Pedro Soliba kay  Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGen Jose Melencio Nartatez Jr.  ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng San Juan Municipal Police Station bandang 11:30 ng umaga ng Enero 23, 2023 ay nadakip ang suspek na kinilalang si Ryan Mercado y Ulan, mangingisda na residente ng Brgy Nagsaulay, San Juan, Batangas.

Naaresto si Mercado sa bisa ng warrant of arrest, na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 87, Rosario, Batangas dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Anti-Child Abuse Law. Samantala, nagrekomenda ang korte ng P80,000.00 na piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya na nangyari ang krimen noong ika-7 ng Hulyo taong 2022.  

Nadakip ang suspek sa tulong na rin ng Barangay Information Network (BIN) na madalas itong mamataan sa naturang lugar.