
NASILAT ang dalawang High Value Individual (HVI) drug suspects sa tuloy-tuloy na operasyon kontra droga kung saan nasamsam ang humigit 3 Milyong pisong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operastioon ng Quezon PPO, Lucena PNP, PDEA-Quezon, QPDEU, Quezon Maritime, CIDG, at RIU 4A kahapon ng gabi sa Purok damayan 1, Brgy ibabang Iyam, Lucena City.
Ayon kay Provincial Director, PCol Ledon Monte napagkilanlan ang mga naarestong suspek na sina Angelo Tongo at Judel Gutlay pawang High Value Individual (HVI) Drug Suspects matapos ang ikinasang transakyon sa pagitan nila at ng isang operatibang nagpanggap n poseur buyer.
Kumpiskado ang 13 piraso ng heat-sealed transparent sachet na may humigit-kumulang na timbang na 196 gramo na may katumbas na DDB value PHP 1,332,800 at street value of PHP 3,998,400 kasama ang isang yunit ng motor, boodle money, at isang plastic na itim.
Sila Angelo at Judel ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Lucena City Police Station upang sumailalim sa proseso ng dokumentasyon para sa isasampang kasong violation of RA 9165.