
SINALAKAY ng pinagsamang operatiba ng PDEA Laguna Provincial Office at PDEU Laguna Police Provincial Office ang isang drug den sa isinagawang buy-bust ioperation na nagresulta ng pagkakaaresto ng apat na suspek sa Barangay Timbao, Biñan City, Laguna sa ganap na 5:33 ng hapon nitong Oktubre 1, 2025.
Ang mga suspek ay nakilalang sina alias Tin-tin, alias Kamandag, alias Intong, habang si alias Kakay ay nakatakas at nananatiling pinaghahanap ng mga otoridad.
Nakumpiska ng mga operatiba ang humigit kumulang na 6 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang Php40,800.00, buy-bust money at iba’t ibang klase ng drug paraphernalia.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic 9165 o ng Comprehensive Dangeropus Drugs Act of 2002 ang mga nadakip na nagyon ay nakapiit pansamantala sa Custodial Facility ng PDEA Region 4A sa Santa Rosa City, Laguna.