
NAILIGTAS ang limang menor de edad ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) sa kamay ng isang umano’y bugaw na sangkot sa child sexual exploitation sa Quezon City.
Nag-ugat ang rescue operation mula sa Royal Canadian Mounted Police (RCMP) sa pamamagitan ng Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC).
Ayon sa referral, ang mga miyembro ng New Westminster Police Department (NWPD) ay nagsagawa ng Search Warrant sa tirahan ng isang Canadian national.
Nang isilbi ang warrant, sinuri ng mga imbestigador ang device ng Canadian national at nakakita ang mga gamit na Skype username.
Ang mga resulta ng forensic na ipinasa sa NBI-HTRAD ay nagsiwalat na ang suspek ay tumatanggap ng mga bayad mula sa naarestong Canadian national upang mapadali ang live online sexual abuse ng isang 12-anyos na kamag-anak.
Ang mga ahente ng HTRAD ay nagsagawa ng surveillance operations upang i-verify ang mga aktibidad ng suspek at ang pagkakasangkot ng mga menor de edad na biktima.
Kinumpirma ng mga operasyon na aktibong iniaalok ng suspek ang kanyang mga menor de edad na anak sa mga dayuhan kapalit ng pera.
Kasunod ng impormasyon na nag-aalok ang suspek ng mga menor de edad na biktima para sa personal na pagsasamantalang sekswal, naglunsad ang NBI-HTRAD ng entrapment at rescue operation.
Kinasuhan ang suspek ng paglabag sa Qualified Trafficking in Persons in violation of Republic Act No. 9208, as amyended by Republic Act 10364.
Binalaan ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago ang mga gumagawa ng child online sexual exploitation at hinihikayat ang publiko na iulat ang anumang kahina-hinalang online na aktibidad na may kaugnayan sa krimen, dahil ang bawat ulat ay maaaring magligtas sa mga bata mula sa naturang mga bawal na aktibidad.