INARESTO ng mga awtoridad ng dalawang batang lalaki na may edad 8 at 10 na nang molestya sa isang 6 na taong gulang na batang babae sa Mabalacat City, Pampanga nitong Martes.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen Jean Fajardo ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal, nagreklamo ang biktima katuwang ang kanyang ina sa himpilan ng pulisya.
Lumabas sa imbestigasyon na naglalaro ang biktima kasama ang kanyang nakababatang kapatid sa labas ng kanilang tahanan sa Bgy. Camachiles sa Mabalacat City nang bigla siyang hawakan ng dalawang lalaki sa kamay at dinala sa isang madamong bahagi ng nayon.
Pagkatapos ay salit-salit na ginahasa ng dalawang lalaki angbatang babae.
Matapos ang pangmomolestiya, nagbihis ang biktima at nakipaglaro sa iba pang mga bata habang ang mga batang suspek ay umalis sa lugar na parang walang nangyari.
Kalaunan ay sinabi ng biktima sa kanyang ina ang ginawa ng mga batabg lalaki sa kanya.
Agad namang humingi ng tulong ang ina sa barangay officer na maaresto ang mga batang suspek at itinurn-over sa Mabalacat City police.
Ayon kay Mabalacat City police commander Lt. Col. Efren David, nasa kustodiya na ngayon ng lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga menor de edad na suspek.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act laban sa mga batang suspek.
