NASAWI ang isang 45-anyos na babae nang masabugan sa pagawaan ng paputok sa Bocaue , Bulacan.
Nakilala ang biktimang si riza Villanueva , na isang trabahador sa pabrika ng paputok.
Batay sa insiyal na ulat ng pulisya gumagawa ng kwitis si Villanueva nang aksidenteng sumabog iyo sa kanyang harapan.
Sa tindi ng pinsala sa katawan ng biktima ang nangyaring trahedya kung saan nasunog ang katawan nito hanggang sa maputol ang kaliwang binti. Mabilis pang naitakbo sa pagamutan ang biktima ngunit kalaunan ay pumanaw na rin
