APAT na bata kabilang ang sanggol ang nasawi sa trahedya nang matupok ng apoy ang kanilang tinitirhang bahay sa Cebu City nitong Huwebes, Nobyembre 23.
Natukoy ng mga otoridad ang mga namatay na sina Angelo Bayaton, 10; mga kapatid na sina Crylle Bayaton, 6; Christina Bayaton, 1; at 11 buwang gulang na sanggol na si Amari Zane Caborna.
Sa imbestigasyon ng pulisya , inilahad ng tiyuhin ng mga biktima na natutulog sila sa itaas na palapag ng bahay nang maganap ang sunog.
Ngunit hindi na nagawa pang iligtas ang mga bata.
Inaalam pa ng mga rumespondeng bumbero ang pinagmulan ng sunog.
Habang tatlo pa ang nasugatan sa trahedya kung saan nagtamo ng first-degree burn ang dalawang biktima na sina Gelo Cabornay, 31 ; at pristine Cabornay , 30 .
Sumiklab ang apoy sa bahay ng biktima sa Sitio upper Capaculan, barangay Tisa, Cebu City bandang 5:51 ng madaling araw ng Huwebes.
Natupok din ang pito pang kabahayan sa nasabing lugar.
Ideneklarang fireout ang bandang alas 6:15 ng umaga .
.
