Photo from MSU FB page
NASAWI ang apat na estudyante ng pampublikong paaaralan ng Mindanao State University (MSU) habang 42 iba pa ang sugatan sa isang pagsabog sa loob ng Dimaporo Gymnasium nitong Linggo ng umaga, ika-3 ng Disyembre 2023.
Ayon sa mga ulat na natanggap ng mga awtoridad, ang mga biktima ay nagdadaos ng misa ng Linggo sa gymnasium ng unibersidad nang sumabog ang isang hindi malamang device.
Sa ngayon ay hindi pa inilalabas ang mga pagkakakilanlan ng mga namatay at mga sugatan habang hinihintay pa ang opisyal na pahayag tungkol sa insidente ng pagsabog.
Habang patuloy na iniimbestigahan ang uri ng pampasabog na ginamit habang sinusubukan nilang alamin ang mga pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa likod ng pagsabog.
