Photo from Bea Alonzo FB Page
WALA ng magaganap na kasalan ngayong taon kung sakaling magka-ayos pa ang aktres na si Bea Alonzo at model na si Dominic Roque matapos makumpirma ang kanilang hiwalayan ngayong Martes.
Inamin ng Showbiz Host na si Boy Abunda sa kanyang programa sa GMA 7 na Fast Talk na break na ang magboyfriend kahit na engage na ito kamakailan.
“Ako’y nalungkot ho talaga dahil madalas, ‘pag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol sa buhay, tungkol sa kanila, their marriage plans, etcetera. So, I was shocked,” ayon kay Tito Boy.
“As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at tsaka si Bea,” dagdag pa niya, pero walang ibinigay na dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. “They are trying to understand each other. But they are going through a rough patch.”
Noong July 2023 nagpropose si Dominic kay Bea sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.
Wala pang linaw kung ano ang naging dahilan ng dalawa na humantong sa hiwalayan ang kanilang naging desisyon.
