Nakaranas ng 78 porsyento (78%) na pagtaas ngayong taon ang Medical Assistance for Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP), isang pambansang inisyatiba na naglalayong magbigay ng tulong-pinansyal sa mga pasyenteng higit na nangangailangan, na umaabot sa ₱58 bilyon mula sa dating ₱32.6 bilyon na alokasyon nito sa 2023 General Appropriations Act (GAA).
Mas mataas din ang pag-angat na ito sa 2024 General Appropriations Bill level na P22.264 bilyon.
“Among the many things that the pandemic underscored the past few years, not just in the Philippines but all over the world, is our need for equity-focused health care. Historically, health discrepancies endure among marginalized groups, which is why our government is doing its best to give every Filipino, especially the most vulnerable, access to fair and quality medical care,” pahayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina F. Pangandaman.
Ginagamit ang MAIP para sa pagpapaospital at suportang medikal ng mga pasyenteng nangangailangan at mga financially incapacitated, kabilang ngunit hindi limitado sa, in-patient, out-patient, komprehensibong check-up at mga serbisyong pang-emergency, gayundin ang mga gamot at professional fees, at iba pa. Bukod sa mga indigent na indibidwal, ang mga nagpapakita ng kawalan ng kakayahang magbayad o gumastos ng mga kinakailangang gastusin para sa kanilang pagpapagamot ay maaaring makatanggap ng tulong medikal.
Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, determinado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapabuti ang kabuuang sistema ng kalusugan sa bansa at gawing mas abot-kamay ang tulong-medikal para sa mga Pilipino. Ang mga layuning ito ay mahalaga sa pag-abot ng mga socio-economic goals ng administrasyon.
Sakop ng programa ang DOH Hospitals, Specialty Hospitals, State Universities and Colleges (SUC), Local Government Units (LGUs) at iba pang pasilidad ng kalusugan, kapwa pribado at pampubliko, na napapailalim sa mga alituntuning inilabas ng DOH. Para sa accountability at research purposes, ang Department of Health (DOH) ay nag-post sa website nito ng pangalan ng mga tatanggap na ospital at ang edad, kasarian, lungsod, munisipalidad, at ang sakit ng mga indigent at financially incapacitated na benepisyaryo
