NAGLAAN ng P10 milyon reward sa Philippine National Police (PNP) si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na chairman ng House appropriations committee, bilang pabuya sa pinakawanted na kriminal sa bansa ang Concepcion Criminal Group na siyang nagpapahirap sa Bicol Region at iba pang mga lugar ng bansa .
Ayon kay Co, ang Concepcion Criminal Group ay sangkot sa iba’t ibang kriminal na aktibidad, kabilang ang mga pagpaslang, pangongotong, at ilegal na kalakalan ng armas.
Kaya naman malaking bagay na ma- neutralize ang Concepcion Gang na matagal nang pino-problema ng rehiyon .Sinabi nya na ” I promised to give 10 million pesos out of my own pocket for the capture of this criminal and terrorist group,”.
Matapos ang matinding surveillance at imbestigasyon, napatay sa engkwentro ng mga pulis si Gilbert Saysay Concepcion, na kilala rin bilang “Bert” o “Pogi,”na tumatayong lider ng organisasyon, maging si Laeco Josie Quite Saysay, na kilala rin bilang “Lay,” na isang miyembro ng grupo, noong Enero 24 sa Barangay San Martin De Porres, Parañaque City.
Sinabi ni Co na ang pagwawasak ng organisadong grupo ng krimen ng PNP ay nagpapakita ng kahusayan, pagtitiyaga, at tapang ng mga sangkot na pulis.
“Ang ibinigay nating reward ay bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga pulis na handang ialay ang kanilang buhay para lamang siguraduhin ang kaligtasan ng taumbayan. Ang tapang at sakripisyo ng ating mga pulis, na humaharap sa mga panganib upang protektahan tayo, ay lubos na pinahahalagahan,” dagdag ni Co.
