INARESTO ang isang Taiwanese na wanted sa mga awtoridad sa Taipei dahil sa pagkakasangkot sa pangloloko sa kumpanya.
Base sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, tinukoy ng fugitive search unit (FSU) ng Bureau of Immigration ang nahuling si Chang Chia Wei, 42 taong gulang, na naaresto noong Marso 15 sa kanyang tinitirhan sa Bamban, Tarlac.
Si Chang ay naaresto sa bisa ng warrant na inilabas ng board of commissioners ng BI noong Nobyembre 2021 nang siya ay iniutos na ideport dahil sa pagiging isang undesirable alien
Hiniling ng Taipei Economic and Cultural Office ng pag-aresto at deportation ni Chang papuntang Taiwan upang siya ay humarap sa paglilitis sa kanyang inaakusahang krimen.
Sinabi rin ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy na may warrant para sa pag-aresto ni Chang na inilabas ng Shilin district prosecutor’s office sa Taiwan kung saan siya ay inakusahan sa paglabag sa batas ng kumpanya ng kanilang bansa.
Inaakusahan ng mga awtoridad na si Chang ay miyembro ng isang kriminal na sindikato na gumamit ng kanyang personal na bank account bilang deposito ng mga kita na kinita ng organisasyon mula sa kanilang mga gawain na may kinalaman sa pandaraya mula 2015.
Dagdag pa ni Sy na si Chang ay hindi na dokumentadong dayuhan dahil ang kanyang pasaporte ay nag-expire na noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Siya rin ay isang overstaying alien dahil sa kanyang travel record na ipinakita na huli siyang dumating sa Pilipinas.
Ang Taiwanese national ay kasalukuyang nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naghihintay ng deportation.
