Photo from Rizal PPO
NASAKOTE ang mag-amang gun dealer nang isagawa ang” Oplan Paglalansag Omega” ng mga awtoridad sa Sitio Calumpang, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal nitong araw ng Martes, Abril 16, 2024 ng umaga.
Naaresto ang mag-amang sina Cesar , 68 anyos at Zeus Valdez , 43 anyos makaraang ihain ng pinagsanib pwersa ng CIDG Rizal Provincial Field Unit kasama ang 404th AMC RMFB PRO4A, 22SAC-2SAB PNP SAF at Antipolo CPS ang search warrant na inisyu ni Hon. Agripino R. Bravo, Executive Judge, RTC, Fourth Judicial Region, Lucena City noong April 12, 2024.
Base sa ulat na natanggap ni Regional Chief ng CIDG 4-A PCol Jacinto Malinao, Jr, mula kay PMajor Leopoldo Cajipe Jr. Provincial Officer,ng CIDG Rizal , tumambad ang 13 iba’t-ibang loose firearms at mga bala.
Narekober din sa lugar ng mga suspek ang 2 cal.45; 2 cal. 22 rifle; 7 cal.38; 2 cal.22 pistol, sari-saring kalibre ng bala at mga magazines.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition regulation Act ang mag-amang gun dealer .
Sinabi ni Malinao na pinupuri niya ang pagsisikap at matagumpay na pag-aresto sa mag-amang suspek. Malaki rin aniya ang maitutulong sa pag-iwas at paglutas ng krimen sa lalawigan ng Rizal at sa mga kalapit na lalawigan maging sa Metro Manila.
