NAPIGILAN ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang paglabas ng isang kargamento na naglalaman ng PhP1,413,720 milyon halaga ng droga na itinago bilang mga kitchen wall stickers nitong Hunyo 27.
Nakita sa kahina-hinalang imahe sa x-ray ng mga opisyal ng Customs ang 217.9 gramo ng pinaniniwalaang shabu (methamphetamine hydrochloride) na may tinatayang halagang kalye na PhP1,413,720 milyon.
Iniimestigahan na ang nagpadala at pinagpadalhan ng kargamento na kasalukuyang nahaharap sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
