NASAMSAM sa isang High Value Individual ang tinatayang Php 666,604.00 halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operation ng City Drug Enforcement Team ng Lipa City Police Station noong Agosto 28, 2024, sa Brgy. 3, Lipa City, Batangas.
Base sa ulat kay Batangas Provincial Director Col. Jacinto Malinao Jr. naaresto ang suspek na si alias “Jepong,” 38, na kabilang sa high-value individual sa Lipa CPS Drug Watchlist at residente ng Brgy. 3, Lipa City, Batangas nang isinagawa ang operasyon bandang 8:05 ng gabi.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang 14 na transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, na may kabuuang timbang na 98.03 gramo, na may halagang ₱666,604.00, isang android phone, isang pouch, at drug bust money.
Ang mga nakuhang ebidensya ay dinala sa Batangas Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination.
Ayon kay Regional Director PBGen Paul Kenneth T Lucas.na patuloy na suportahan ang mga programa ng gobyerno at ng Philippine National Police.
Aniya, “Sa ating mga kababayan, patuloy niyo po kaming suportahan at sama-sama nating isulong ang Bagong Pilipinas na ligtas at walang droga,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nakakulong sa custodial facility ng Lipa CPS habang ang mga kinakailangang dokumento ay inihahanda para sa pagsasampa ng kaso sa Lipa City Prosecutor’s Office.
