PATAY sa hazing ang isang 18-anyos na grade 11student noong Linggo ng gabi sa Nueva Ecija.
Ang biktima ay nakilalang si Ren Joseph Bayan, isang Grade 11 na estudyante sa San Pablo National High School sa bayan ng Jaen.
Patay na siya nang dalhin sa kanilang tahanan sa Barangay San Pablo.
Naganap diumano ang hazing sa San Leonardo, sa Nueva Ecija
Ayon sa imbestigasyon, sinabi ng biktima sa kanyang pamilya na dadalo siya sa huling ritwal ng hazing ng Tau Gamma Phi Fraternity sa Barangay San Anton sa bayan ng San Leonardo.
Sinabi ni Jennifer, tiyahin ng biktima, sa pulisya na nagulat sila nang dalhin ng mga miyembro ng fraternity ang walang buhay ang biktima at saka mabilis na umalis.
Agad na nagsimula ang pulisya ng manhunt para sa pagkakaaresto sa mga miyembro ng nasabing fraternity na sina Baron Cabado at Patrik Guinto, na diumano’y nagsagawa ng hazing.
