IPINAMAHAGI ng local na pamahalaan Binan City ang pension para sa 18,500 na senior citizen ngayong araw ng Sabado sa Alonte Sports Arena sa Binan City, Laguna.
Pinangunahan ni Binan City Mayor Atty. Arman Dimaguila ang pamamahagi na tatagal sa loob ng dalawang araw simula nitong Sabado hanggang Linggo (Disyembre 21-22, 2024).

Sinabi ni Mayor Dimaguila na una nang inumpisahan ang pamamahagi ng pension sa mga senior citizens simula pa noong taong 2021 sa tuwing buwan ng Hunyo at Disyembre.
Iminungkahi ito ni Vice-Mayor Gel Alonte at naipasa sa Sangguniang Panglalawigan kung saan maraming mabigyan ng pension hindi lamang para sa mga senior citizen maging mga Persons with Disability(PWDs) at solo parent.

Nasa 5,000 piso ang natanggap ng bawat senior citizen mula sa local na pamahalaan ng lungsod habang 1,000 piso naman mula sa national government.
Ang P100,00 piso naman tuwing ika -100 kaarawan ng senior citizen ay hinahati upang mapakinabangan ito ng mga benipersaryong senior citizen.
Makatatanggap ang mga senior citizen sa tuwing sasapit ang kanilang ika- 80 karaawaran ng P10,000; ika-85 na kaarawan ng P10,000; ika-90 na kaarawan; ika-95 na kaarawan karagdagang P10,000 at ika-100 kaarawan P10,000.00.
