PATAY ang isang 77-anyos na babae noong Huwebes sa sunog na tumupok sa isang residential area sa Muntinlupa.
Sinabi ng Muntinlupa City Fire Station na ang biktima ay isang person with disability.
Nakulong ang biktima sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Marquez Compound sa Putatan Itaas, Summitville sa Bgy. Putatan.
Apat na iba pa ang iniulat na nasugatan.
Nagsimula ang apoy dakong alas-10:20 ng umaga noong Huwebes at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay.
Naapula ng mga bumbero ang apoy alas-11:09 ng umaga ng parehong araw.
Nasa 15 bahay ang naabo ng sunog at humigit-kumulang 15 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Patuloy ang imbestigasyon sa kung ano ang nagsimula ng sunog.
