ISANG Japanese national ang umano’y nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa firing range sa Angeles City, Pampanga nitong Huwebes.
Ang biktima ay kinilala ng mga awtoridad na si “Sato,” 41, isang Japanese national na hindi pa malaman ang tinitirhan .
Sinabi ng dalawang range officer sa pulisya na base sa CCTV footage, binaril ng dayuhan ang sarili gamit ang cal. .45 Armscor pistol na nirentahan niya sa firing range.
Ang Hapones ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kanang sintido habang ang bala ay ltumagos sa likod ng ulo.
Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.
