IGINAWAD ni PRO Calabarzon Regional Director, PBGen Paul Kenneth T. Lucas ang Medalya ng Sugatang Magiting kay PCpl Mark M. Abagon ng Cainta Municipal Police Station nang bisitahin ito sa Pasig City General Hospital .
Nasugatan si Abagon sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal. Upang labanan ang kalakalan ng iligal na droga na nauwi sa pakikipagbarilan sa mga armadong suspek.
Sa kabila ng kanyang mga pinsala, patuloy si Abangon na sumuporta sa operasyon, na humantong sa pagkakaaresto sa apat na drug suspect.
Ang Medalya ng Sugatang Magiting ay nagpaparangal sa kanyang katapangan at sakripisyo sa pagtupad ng tungkulin.
Binigyan rin ni RD Lucas ng tulong pinansyal at buong suporta para sa kanyang recovery.
