LAGUNA– BINISITA ni dating Congresswoman ng 3rd District at tumatakbong Gobernador ng lalawigan ng Laguna na si Sol Aragones ang grupo ng kababaihan o ang kanyang mga Sol’s Lady .Ginanap sa La Vista Pansol sa Barangay Pansol ng lalawigang ito ngayong araw ng Lunes kung saan dinaluhan ng higit sa 2,000 kababaihan na nagmula sa tatlong bayan ng Calamba, Los banos at Bay. Ang Sol’s Ladyies ay mga lider ng kababaihan mula sa mga Purok, Barangay at Munisipalidad ng lalawigan na sumusoporta kay Aragones.
