DALAWANG patay na lalaki ang natagpuang itinapon sa kalsada sa Capas, Tarlac noong Miyerkules.
Ang mga biktima ay bineberipika ang mga pangalan, na natagpuan sa Estrada-San Carlos By-Pass Road malapit sa Bgy. Estrada sa Capas.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Jean Fajardo, agad na nagpadala ng mga pulis mula sa Capas para i-verify ang impormasyong ipinasa sa kanila ni Estrada barangay captain Allan Ramos.
Natagpuan ng mga rumespondeng pulis ang dalawang bangkay sa lugar.
Habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.
