NILOOBAN ng mga magnanakaw ang tanggapan ng Department of Tourism (DOT) sa Bgy. Poblacion, Dingalan, Aurora.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen Jean Fajardo, sinabi ng Aurora police na ipinaalam sa kanila ang nangyaring pagnanakaw ng isa sa mga empleyado ng DOT.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na nang ang DOT encoder na si Mark Francis Sunga, 29, ng Bgy. Caragsacan, nang pumasok siya sa kanyang trabaho, nakita niyang magulo ang opisina at lahat ng cabinet ay nakabukas na.
Sa kanilang inspeksyon, nalaman nilang nawawala ang tatlong laptop at isang Apple Mcbook na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P149,000, isang cellphone, at P7,000 cash.
Sinusuri ng pulisya ang kuha ng CCTV sa lugar para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga magnanakaw.
