HUMIGIT-kumulang P1.5 bilyong halaga ng shabu ang natagpuan ng mga mangingisda sa Bataan ang lumulutang sa Masinloc, Zambales noong Lunes.
Nakasilid ang iligal na droga sa 10 sako, kung saan ay nadiskubre ng mga mangingisda noong Huwebes at nai-turn over sa mga awtoridad noong Lunes lamang.
Tinutukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 3 ang pinagmulan ng mga kontrabando na dinala ng mga mangingisda para i-turn over ng ipinagbabawal na substance.
Base sa imbestigasyon na naglalayag ang mga mangingisda sa karagatan ng West Bajo de Masinloc sa Zambales, bandang 5:30 ng hapon noong Huwebes nang makita nila ang mga lumulutang na sako.
Agad nilang nilapitan ang mga sako na inakalang naglalaman ito ng mga food packs.
Kinuha nila ang mga sako at sa pagbukas, natuklasan nilang naglalaman ito ng hinihinalang shabu.
Naglalaman ng ipinagbabawal na substance sa 222 assorted vacuum-sealed transparent plastic packs na tumitimbang ng tig-iisang kilo ay sasailalim sa forensic examination at confirmation sa PDEA PRO 3 laboratory.
