INARESTO ng pulisya noong Martes ang isang 22-anyos na magsasaka na inakusahan ng panggagahasa sa Bulacan.
Isang ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Jean Fajardo ng Bulacan police nakilala ang suspek na si alyas “Ram,” ng Bgy. Coral na Bato, San Rafael, Bulacan.
Ang suspek ay inaresto ng magkasanib na operatiba ng San Rafael police, Bulacan Provincial Intelligence Team East, at Regional Intelligence Division 3 batay sa non-bailable warrant para sa 2 counts ng statutory rape na inisyu ng RTC Branch 85, Malolos, Bulacan, na may petsang Mayo 16.
Dinala sa San Rafael jail facility ang naarestong suspek.
