El Nido, Palawan – Humigit-kumulng sa 300 na volunteers mula sa residente, divers, at kinatawan mula sa iba’t ibang organisasyon kasama ang mga barangay officials at local na pamahalaan ng El Nido ang nakiisa sa pagdiriwang ng Ocean Month at nagsagawa ng coastal clean-up at Scubasurero o underwater clean-up dive sa baybayin ng El Nido noong Mayo 29, 2025.
Pinangunahan ito ng Provincial Government–Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng El Nido.
Ang mga dalampasigan at bahagi ng ilalim ng dagat sa paligid ng bayan at kalapit isla ay nilinis upang mabawasan ang basura na siyang nagiging dahilang ng polusyun sa karagatan.
Kabilang din ang paglulunsad ng province-wide search para sa “Bayani ng Karagatan,” isang pagkilala sa mga natatanging fisherfolk organizations sa Palawan na may mahalagang ambag sa pangangalaga ng yamang-dagat.
Ayon sa PG-ENRO, layunin ng programa na palakasin ang kamalayan ng publiko at hikayatin ang mas maraming mamamayan na makibahagi sa pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng mga sustainable practices gaya ng tamang pagtatapon ng basura at responsableng pangingisda.
