NAMAHAGI si Governor Bonz Dolor katuwang ang kanyang may bahay Hiyas Govinda Ramos- Dolor ng semento at pintura sa mga paaralang sakop ng West, East at South District sa baya ng Naujan na ginanap sa Don Vicente Delgado Memorial School sa barangay Pagkakaisa ng bsysng ito nitong Hunyo 13.
Tumanggap ng tig-20 pirasong sako ng semento at dalawang (2) gallon ng pintura ang may 91 paaralang elementarya at sekondarya kabilang din ang tatlong distrito sa bayan ng Naujan.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Governor Bonz Dolor na walang itatangi dahil lahat ng paaralan sa bayan ng Naujan ay makakatanggap ng pare-parehong bilang ng semento at pintura.
Ayon sa gobernaodr handa siyang tumugon sa mga pangangailangan ng mga paaralan para sa mas maayos at maginhawang learning experience ng mga mag-aaral.
Magkatuwang namang pinangunahan ni Gov Bonz at unang ginang Hiyas ang pagpipinta ng dingding ng isang silid-aralan katuwang ang ilang public schools district supervisor sa bayan ng Naujan.
Samantala, isusunod namang ipamahagi ang kaparehong inisyatiba sa 13 pang mga bayan at sa lungsod ng Calapan. Tinatayang 643 na paaralan at 21 distrito sa buong lalawigan ang mahahatiran ng kaparehong tulong sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga paaralan para sa muling pagbubukas ng klase ngayong taon.
Ito ay bilang bahagi ng pagpapakita ng solidong suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa programang Brigada Eskwela 2025 ng Department of Education (DepEd).
Pinangasiwaan naman ang gawaing ito ng Provincial Public Employment and Service Office (PPESO) na pinamumunuan ni PPES Officer Antonio Magnaye, Jr.
