SIMULA ngayong Hulyo tatanggap ng halagang P25,000 ang mga iskolar ng City College of Calapan, ayon sa pagtitiyak ni Calapan City Mayor Doy Leachon ng Oriental, Mindoro .
Sa kanyang talumpati sa harap ng mahigit 400 city scholars ng Calapan sa isinagawang orientation katuwang si Ms. Marvie Mañibo na Officer-in-Charge ng City Education Department sinabi ni Mayor Leachon na “Education is the greatest equalizer in life, kaya ayaw namin na di nag-aaral ang inyo mgaanak” .
Tiniyak ng Team Maayos na Bayan Sigurado o MBS na tutuparin ang kanilang ipinangako noong kampanya sa mamamayan ng Calapan ang kongkretong programa.
Karagdagang 2,000 city scholars ang mabibiyayaan ng scholarship grants sa lungsod.
Nagpasalamat ang mga mag-aaral sa mga konsehal ng 10th City Council sa pangunguna ni Vice Mayor Bim Ignacio sa pag-apruba ng nasabing scholarship budget para sa mga kabataang Calapeño.
