Larawan mula sa Manila Public Information Office
NASUGATAN ang ilang pulis matapos mauwi sa tensiyon ang rally sa kahabaan ng Ayala bridge amtapos ipatupad ang maximum tolerance sa lugar.
Naghagis ng mga pillbox , malalaking bato, basag na bote at plastic bottles ang mga agresibong raliyista.
Samantala ,ipinag-utos ni Manila City Mayor Franciso “Isko” Moreno Domagoso sa Manila Police District ang pagpapatupad ng Executive Order No.2 o curfew for minors sa buong siyudad.
Magsisimula ito ngayong araw ng Linggo alas 10: 00 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga .
