SA ikatlong pagkakataon ay muling dinakip ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang vlogger na si Norman Mangusin, na mas kilala bilang Francis Leo Marcos, kaugnay ng umano’y ilegal na paggamit at pagsusuot ng uniporme ng pulisya.
Matapos ang pag-aresto, dinala si Mangusin sa Camp Crame kung saan siya kasalukuyang nakakulong.
Ayon sa report, isinagawa ang pag-aresto nitong Huwebes ng hapon dahil sa umano’y walang pahintulot na pagsusuot niya ng uniporme ng pulisya, na maaaring lumabag sa mga batas na nagbabawal sa ilegal na paggamit ng mga uniporme at insignia ng mga awtoridad, gayundin sa pangangamkam o panggagaya ng kapangyarihan ng isang opisyal.
Hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot si Mangusin sa pag-aresto ngayong taon.
Noong Oktubre 5, 2026, inaresto rin siya ng PNP-CIDG sa Parañaque City batay sa warrant of arrest na inilabas ng Parañaque Regional Trial Court Branch 294 kaugnay ng tatlong bilang ng cyberlibel.
Pinalaya siya noong Oktubre 7 matapos maglagak ng piyansang P30,000 para sa bawat kaso, o kabuuang P90,000.
Noong Pebrero 2026, inaresto rin siya kaugnay ng ilang bilang ng unjust vexation
