UMABOT na sa 2,294 ang kaso ng influenza sa lungsod ng Quezon mula January 1 hanggang October 21, 2025 base sa talaan ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD).
Mas mataas ito ng 76.87% kumpara sa naitalang kaso noong 2024 sa kaparehong panahon.
Kaya naman nagpaalala ang local na pamahalaan na ugaliing sundin ang mga pamamaraan upang makaiwas sa flu.
- Palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig.
- Pagsusuot ng face mask lalo na kung may ubo o sipon . Pagtatakip ng ilong o bibig kapag umuubo o bumabahing.
- Ang madalas na pagkain ng masustansyang pagkain at uminom ng maraming tubig para lumakas ang resistensya.
- Mahabang pahinga at pagtulog nang sapat upang manatiling malakas ang katawan.
- Pag-eehersisyo ng regular para mas lumakas ang immune system.
- At ang pagpapanatili sa bahay kung may sakit para hindi makahawa sa iba.
At kung sakaling makaramdam ng sintomas ng flu agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center na bukas sa publiko mula Lunes hanggang Biyernes alas- 7 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.
