NASABAT ang P114,566,400 ilegal na droga na idineklarang malachite stones na mula sa Congo noong Enero 8, 2026.
Naharang ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang kargamento natukoy ng X-ray inspection matapos magpakita ng mga kahina-hinalang imahe.
Natuklasan sa pagsusuri ang apat (4) na kahon na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga na may bigat na 4,320 gramo, 3,622 gramo, 4,599 gramo, at 4,307 gramo na may kabuuang bigat na 16,848 gramo.
Ang mga nakumpiska at mga indibidwal na sangkot ay pormal na isinuko sa PDEA para sa wastong disposisyon at karagdagang imbestigasyon.
Nahahrap ang mga sangkot sa mga paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Binigyang-diin ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno na ang insidente ay matagumpay na sumasalamin sa determinasyon ng Bureau na pigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.
“Hindi lamang ito tungkol sa pagpapatupad. Ito ay tungkol sa pagprotekta sa ating mga komunidad. Ang Bureau ay mananatiling walang humpay sa pag-screen, pag-inspeksyon, at pagpapahinto ng mga ilegal na droga sa ating mga hangganan,” sabi ni Nepomuceno.
