ISANG taguan ng mga granada ang natuklasang nakabaon sa isang pampublikong sementeryo sa Lucban, Quezon.
Sa ulat mula sa 2nd Infantry Division (2nd ID) ng Philippine Army, bumisita si Private First Class Bismarck Floyd Mandaing, na isang miyembro ng 404th Ready Reserve Infantry Battalion kasama ang kanyang pamilya sa puntod ng kapamilyang nakahimlay sa sementeryo sa Bgy. Palola noong Enero 18 nang makatanggap siya ng impormasyon na may mga bombang nakabaon malapit sa isang malaking natumbang puno sa sementeryo.
Agad na sinuri ng reservist ng Army at ng kanyang mga kasama ang lugar at natagpuan ang kabuuang 120 granada na nakabaon sa ilalim ng lupa malapit sa natumbang puno.
Agad na sinigurado ang mga otoriada e at nilinis ang nakapalibot na lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga bumibisita sa sementeryo.
Naabisuhan ang mga awtoridad, at nakipag-ugnayan sa isang Explosive Ordnance Disposal (EOD) battalion, na ang mga tauhan ay dumating kalaunan upang suriin at kunin ang mga narekober na granada.
Habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon.
