MAGSISIMULA na ngayong darating na Lunes, Pebrero 9, 2026 ang papagpaparehistro para sa kauna-unahang chemotherapy center ng Laguna.
Kasunod ito sa anunsiyo ni Laguna Governor Sol Aragones na paghahanda sa pagbubukas ng Chemotherapy Center sa Laguna Medical Center sa darating na Abril 2026.
Hinihikayat ang mga Lagunenseng pasyente na magparehistro simula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon na gaganapin sa Provincial Health Office PHO sa Sta. Cruz , Laguna.
Dadalhin lamang ang treatment plan ng pasyente na sasailalim sa chemotherapy o kung wala naman ay maaaring magpatingin sa Oncologist .
