TINATAYANG ₱2,844,352.29 ang kabuuang halaga ng mga interbensyon na opisyal nang naipagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) sa samahan ng Cacao Farmers Agripreneur of Nagcarlan Agriculture Cooperative noong ika-24 ng Pebrero sa Nagcarlan, Laguna.
Ito ay ang Cacao Processing Facility, Cacao Bean Storage, at Greenhouse-Type Solar Dryer na siyang mas magpapaunlad ng kanilang produksyon ng cacao, patuloy na maghihikayat ng pagpoproseso ng mga produktong gawa sa cacao, at magpapalakas ng negosyong agrikultural sa komunidad.
Ayon kay Pangulong Gerry Isleta, simula pa lamang noong 2016 ay naniniwala sila na “cacao is the next gold” kaya naman buo ang kanilang pasasalamat sa mga pasilidad na makatutulong sa pag- ipon ng mga aning cacao kasabay ng pagpoproseso nito. Aniya, mula sa pinaghirapan nilang pag- aayos ng dokumento ay wala nang mas sasaya pa na mabigyang-katuparan ito.
Si DA HVCDP Undersecretary Cheryl Marie Natividad-Caballero na nakiisa sa ribbon cutting ay ikinatuwa ang maraming produkto na ipinamalas ng samahan gaya na lamang ng cacao chili sauce.
Aniya, ang commitment at creativity na ipinapakita ang magdadala sa kanila sa tagumpay.
Samantala, buo ang bisyon ng samahan na mas pagbutihin pa ang pagpoproseso hanggang sa matupad din ang isa pa nilang hangarin na makapagpatayo ng pasalubong centers sa bayan ng Nagcarlan lalo pa at dinadayo ang kanilang ng lugar ng mga turista dahil sa Yambo Lake.
