ARESTADO sa entrapment operation ng mga awtoridad ang isang 43-taong-gulang na negosyanteng ilegal na nagbebenta ng gasolina nitong Huwebes sa Ligao City, Albay.
Ikinasa ng pinagsanib pwersa ng mga operatiba ng Police Intelligence Unit ng Albay Police Provincial Office, kasama ang CIDG Albay at ang Ligao City Police Station, ay nagsagawa ng isang entrapment operation na humantong sa pagkahuli sa suspek, na siyang may-ari ng establisyimento .
Kumpiskado ang ng mga awtoridad ang isang fuel tanker truck, mga storage container, at tinatayang 1,000 litro ng gasolina, kasama ang marked money na ginamit sa operasyon na may kabuuang halagang nasa mahigit ₱2 milyon.
Mahaharap sa kasong paglabag ng Batas Pambansa Blg. 33, na illegal na pagbebenta ng mga produktong petrolyo.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng pulisya at mahaharap sa mga kaukulang kaso, habang ang mga narekober na ebidensya ay pinoproseso para sa wastong disposisyon.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang kahalagahan ng patuloy na operasyon laban sa mga ilegal na aktibidad ng gasolina, lalo na sa gitna ng mga pandaigdigang kawalan ng katiyakan.
“Hindi tayo titigil sa pagpapatupad ng batas. Sa gitna ng krisis sa pandaigdigang suplay ng langis, mas lalo nating paiigtingin ang ating operasyon laban sa mga ilegal na gawain na nagpapahirap sa ating mga kababayan,” .
