ISANG sikat online gaming platform na Roblox ang nakipagpulong upang maging ligtas sa paglalaro ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataa na madalas pangunahing target ng mga napapa- ulat na sexual predation, grooming, at exploitation .
Kaya bilang pagtugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguraduhing ligtas ang bawat Pilipino online nakipagpulong ang DICT at CICC sa Roblox upang talakayin at tugunan ang mga isyung kinakaharap ng platform lalo sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).
Layunin nitong tiyakin na ang paglalaro online ay mananatiling ligtas, masaya, at may gabay para sa kabataan at sa kapayapaan ng isip ng bawat magulang.
