INANUNSIYO ng Metro Manila Development Authority ang pagsuspindi ng expanded number coding scheme bukas, Mayo 1, 2026.
Paggunita ito sa Araw ng Paggawa bilang isang regular holiday.
Awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing regular at special non-working holidays. Pinagiingat ng MMDA ang mga motorista na bibiyahe bukas bilang long weekend .
Samantala, nakatakdang magsagawa ng karagdagang pagkukumpuni sa left lane ng EDSA Magallanes Flyover – Southbound simula mmayang gabi 𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝟭𝟬𝗣𝗠), hanggang 𝗠𝗮𝘆 𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝟱𝗔𝗠) , bilang bahagi ng EDSA rehabilitation works ng Department of Public Works and Highways.
Pansamantalang isasarado ang mga working areas sa left lane ng flyover, habang mananatili namang bukas sa trapiko ang right lane sa bahagi ng southbound.
Sasamantalahin ng ahensya ang paparating na long weekend upang paspasan ang pagkukumpuni sa flyover at matapos sa lalong madaling panahon.
