TINATAYANG 191 kahon na naglalaman ng 7,901 reams ng mga nakumpiskang illegal na sigarilyong San Marino King Size ang sinira at dinurog gamit ang road roller ng Bureau of Customs – Port of Surigao nitong Hunyo 15, 2026 sa Material Recovery Facility ng Sanitary Landfill sa Barangay Silop, Surigao City.
Ang mga ilegal na sigarilyo ay mga nakumpiska ng Philippine National Police Maritime Group – Surigao del Norte na isa sa kanilang mga operasyon at ibinigay sa Bureau of Customs – Port of Surigao para sa wastong proseso ng pagtatapon alinsunod sa mga batas at regulasyon ng customs.
Matapos sirain ang mga dinurog na sigarilyo ay ililibing sa sanitary landfill upang hinada na muling maibenta sa merkado.
Ang pagsira ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng Auction and Cargo Disposal Section (ACDS) at ng Condemnation Committee ng Port. Nagbigay din ng tulong ang Bureau of Fire Protection – Surigao City, ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Surigao City, at ang Philip Morris Fortune Tobacco Corporation, Inc.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na kampanya ng ahensiya laban sa smuggling at paglaganap ng mga ilegal na produktong tabako.
