NAGSAGAWA ng entrapment operation ang National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) laban sa isang suspek na nagbantang ikakalat nito ang mga sensitibong video ng kanyang dating nobya sa kanyang pamilya at mga kaibigan .
Nagsampa ng kaso ang biktima sa NBI nang nagpahiwatig ang suspek na mapapayag siyang makipag -usap at makipagtalik sa kanya noong , gabi ng Hunyo 2, 2026, at tiniyak sa kanya na buburahin niya ang mga sensitibong video na naka-tago sa kanyang cellphone pagkatapos makipagkita sa kanya.
Matapos makalap ang impormasyon ay agad na ikinasa ng NBI-HTRAD ang entrapment operation sa isang hotel sa Santa Cruz, Maynila, na nagresulta sa matagumpay na pag-aresto sa suspek at pagkarekober ng mga kaugnay na ebidensya.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009), R.A. No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004), Grave Threats at Grave Coercion, na kaugnay ng R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012 ang suspek.
