TINATAYANG ₱86.684 milyon halaga ng pulang sibuyas mula Tsina ang inabandona ng may-ari dahil sa bigo itong bayaran ang mga buwis, ayon sa mga opisyal ng Bureau of Customs.
Ang mga kargamento ay nasa 26 containers na ideneklarang na may 72,215 na sako na gross weight na 650,000 kilo na pulang sibuyas na may tinatayang halaga sa merkado na ₱86,684,000.
Mayroong katumbas na buwis na nagkakahalaga ng ₱9,648,339.33, kung saan ₱9,073,796.73 ang hindi pa nababayaran.
Bagaman nabigyan ng BPI-DA ng permit ang consignee ng kargamento ngunit hindi naman ito kaagad naiproseso kaya naman bago pa lumala ang kalidad ng mga produkto at hindi na angkop ikonsumo ay agad nang inirerekomenda ng ahensiya na huwag nang ilabas sa lokal na pamilihan ang mga kargamento.
Ang pagpapalabas ng mga kargamento ay kasabay rin ng peak harvest season ng mga lokal na magsasaka ng sibuyas na lubos na makakaapekto sa kanilang kabuhayan.
Nadiskubre rin na hindi agad nabayaran ang buwis ng kargamento kaya inisyuhan ito ng abandonment decree dahil sa hindi pagsunod sa Seksyon 1129 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
