LIGTAS na ang dalawampu’t dalawang Pilipinong biktima ng human trafficking mula sa Cambodia ang ligtas nang nakauwi matapos tulungan ng gobyerno ang kanilang pagpapauwi sa bansa sa NAIA Terminal 1 sa Pasay City noong Miyerkules ng madaling araw, Hunyo 10, 2026.
Sakay ng Philippine Airlines flight PR 2622 mula sa Techo International Airport sa Phnom Penh ang mga repatriate na sinalubong naman ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW ) , Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at ng NAIA Task Force Against Trafficking.
Agad na binigyan ang mga biktima ng tulong na medikal, transportasyon at pansamantalang akomodasyon, habang ang DMW Migrant Workers Protection Bureau at mga miyembro ng Inter-Agency Council Against Trafficking ay nakatakdang magbigay ng legal na tulong.
Magkakaroon din ng suporta sa pananalapi at kapakanan upang matulungan silang makabangon at muling ayusin ang kanilang pamumuhay.
