TIMBOG ang No. 2 Regional Most Wanted Person sa Police Regional Office 2 (PRO2) ng Philippine National Police (PNP) ang isang construction worker na may 15 counts na kaso ng Qualified Rape sa isang menor de edad sa Barangay Palo-Alto, Calamba City, Laguna.
Natukoy ng mga otoridad ang 36-taong-gulang na suspek na isang construction worker at residente ng Ilagan City, Isabela matapos isagawa ang manhunt operation noong Hunyo 14, 2026.
Nahuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 18, Ilagan City, Isabela, para sa 15 counts ng Qualified Rape laban sa menor de edad at walang inirekomendang piyansa.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Alicia Municipal Police Station, kasama ang suporta ng Isabela Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 2, at Regional Intelligence Unit 2.
Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya ng Alicia Municipal Police Station para sa dokumentasyon at pagkumpleto ng mga legal na proseso bago ibigay sa korte na naglabas ng warrant.
