INISYUHAN ng LTO ng Show Cause Order SCO ang isang drayber at may-ari ng SUV na nasangkot sa hit-and-run.
Agad ring sinuspinde ang lisensya at inalarma ang sasakyan na ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.
Lumabas sa viral video na nasangkot ang Toyota Land Cruiser sa insidente ng hit-and-run sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City.
May conduction sticker ng naturang sasakyan na nakadikit dito ang sticker ng House of Representatives (HOR).
Pinagpapaliwanag na ang rehistradong may-ari at ang drayber na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) at itinakda ang pagdinig upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong Tampering of Authorized Motor Vehicle License Plates and/o Third Plate Sticker, Reckless Driving, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
bukod sa iba pang mga pagkakasalang maaaring matukoy sa isang patuloy na imbestigasyon.
Inalarma na ang sasakyan habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon.
Inilagay naman sa 90-araw na preventive suspension ang lisensiya ng drayber at isurender ang IID.
Muling iginiit ng LTO na patuloy nitong paiigtingin ang patas at walang kinikilingang pagpapatupad ng mga batas at regulasyon upang panagutin ang mga lumalabag at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating mga kalsada.
