NAHULI ang apat na indibidwalng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region Field Unit sa Barangay Concepcion, Malabon City ang mga illegal na nagbebenta ng mga produktong petrolyo sa pamamagitan “paihi” scheme nitong Hulyo 10, 2026.
Kumpiskado ang humigit-kumulang 105,000 litro ng diesel, dalawang tugboat, at iba pang kagamitan na pinaniniwalaang ginamit sa illegal na aktibidad.
May kabuuang tinatayang humigit-kumulang ₱17.22 milyon halaga ng mga nakumpiskang produktong petrolyo
Isinagawa ang operasyon sa harap ng mga opisyal ng barangay, habang inihahanda na ang kaukulang kaso para sa pagsasampa sa Office of the City Prosecutor.
Ang operasyon ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PNP na palakasin ang pagpapatupad ng batas laban sa mga paglabag sa ekonomiya sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations pillar ng PNP Focused Agenda.
Pinuri ng Punong PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang awtoridad aniya, nananatiling nakatutok ang PNP sa pagsusulong ng ligtas at patas na kapaligiran para sa mga komunidad at mga lehitimong negosyo.
