Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa National Heroes’ Day sa Tomb of the Unknown Soldier sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Matapos ang seremonya, nagtungo naman agad ang Pangulo sa puntod ng kanyang ama at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa nasabing himlayan.
